[LP] Hangin (Wind)
Litratong Pinoy, Photo Memes May 29th, 2008
![]()

Ako ay nangangarap na nakaupo sa tabing dagat
kung saan banayad ang pagdaan ng hangin
kasabay ang pagaspas ng mga ibon sa kalangitan.
Kung mapapahinto ko lang ang oras
para manatili ako sa ganitong pakiramdam
di alintana ang mga nangyayari sa kapaligiran.
Ngunit hindi posible sa totoong buhay
tuloy-tuloy palagi ang laban
mabuti na lang madaling balikan ang ganda ng kalikasan.










