[LP] Pag-aaral (Learning)

Litratong Pinoy, Photo Memes June 26th, 2008

litrato-pinoy

amelie1

“Learning begins at home. As a new parent, there is so much that I want to teach my daughter. Not because I want to ‘push’ her to succeed in life but because I want to open up as many doors of opportunities as I can for her. That way, when the time comes for her to choose a career or a hobby to pursue, she will have options. She will be in a better position to make life changing decisions.

At her stage, she enjoys learning so much. From simple words, the alphabet, numbers to building blocks. In return, I learn from her too. I learn about love, patience and acceptance. I treasure this ‘learning’ moments with my daughter.”

Bilang isang bagong magulang, napakaraming bagay ang nais kong maituro sa aking anak. Hindi dahil gusto ko sya ‘itulak’ para maging matagumpay sa buhay kung hindi para matulungan kong buksan ang mga pinto ng oportunidad para sa kanya. Para pagdating ng panahon na kailangan nyang mamili ng karera, mayroon syang pagpipilian. Mas magiging maganda ang posisyon nya na gumawa ng mga mahahalagang desisyon sa buhay.

Sa ngayon, tuwang-tuwa syang matuto ng maraming bagay. Mga simpleng salita, mga letra, numero hanggang sa pagtatayo ng mga ‘blocks’ na nasa larawan. Sa katunayan, ako rin ay natututo sa kanya. Natututo ako ng pagmamahal, tyaga at pagtanggap. Pinapahalagahan ko ang mga pagkakataon na ito na maturuan ang aking anak.

amelie2

blank