[LP] Kalayaan (Freedom)
Litratong Pinoy, Photo Memes June 12th, 2008

Kalayaan. Isa sa pinakamatamis na salita sa mundo. Hindi mapapantayan ng salapi o ng anumang bagay ang mamuhay ng may kalayaan.
Malaking biyaya ng Diyos sa atin ito lalo na’t ang mundo natin ay likha ng magulo. Kahit paano ay nabubuhay pa rin tayo ng may kalayaan. Kalayaan na makapaghayag ng damdamin, magmahal, magbigay sa kapwa, sumamba sa Diyos at marami pang iba.











