[LP] Pag-iisang Dibdib (When Two Become One)
Litratong Pinoy, Photo Memes June 5th, 2008
![]()

(When I was a child, I remember asking my mother why those birds are called love birds. She told me that it is so because of their “love” for each other that when one of the birds die, the other one weakens and eventually dies, too.
Isn’t this true for us humans? If the love in a relationship is true and strong, when one partner goes away, the other one weakens in heart and longs for the other.)
Nung bata pa ako, naalala ko na naitanong ko sa aking ina bakit tinawag na love birds ang mga ganitong ibon. Ang sabi sa akin ay dahil kapag nawala ang isa sa kanila, nanghihina o namamatay din ang kabiyak. Makatotohanan ito sa ating mga tao di ba? Kapag tunay ang pagmamahalan sa isang relasyon, kapag nawala ang isa, nanghihina at nangungulila naman ng isa.





June 5th, 2008 at 6:56 am
magandang simbol ito ng pag-iisang dibdib, pag pinakawalan mo ito pwede na sa nek wik event! haha!
cess last blog post..LP #10: my best friend’s weddings
[Reply]
June 5th, 2008 at 7:13 am
totoo nga ang sinabi mo, talagang makakaramdam ka ng pagkawala kapag tunay mong mahal ang nawala sa buhay mo. no wonder lovebirds ang tawag sa kanila! pareho tayo ng intro sa LP this week
Surfergirls last blog post..LP 2: PAG-IISANG DIBDIB
[Reply]
June 5th, 2008 at 7:39 am
uy… symbol of love talaga ito ng pag-ibig!
magandang huwebes sa’yo!
[Reply]
June 5th, 2008 at 7:56 am
haaay, iba talaga kapag kasama mo ang minamahal mo:)
komski kunos last blog post..Ikaw at ako
[Reply]
June 5th, 2008 at 9:35 am
wow! ibon ulit…ganda talaga. dami mo ng ibon na nakunan
ang drama…ang ganda ng eksena at parang napaka-romantic pa ng lugar…parang punong-puno sila ng pagmamahalan. *kilig*
RoseLLes last blog post..LP10: Marriage (Pag-iisang Dibdib)
[Reply]
June 5th, 2008 at 9:54 am
alam mo totoo yan..may mga kakilala ako na nung sumakabilang buhay ang kabiyak..sumunod na din pagkatapos ng ilang linggo..sensya na kung medyo morbid ha
cookie
http://scroochchronicles.blogspot.com/
Cookies last blog post..Litratong Pinoy : Pag-Iisang Dibdib
[Reply]
June 5th, 2008 at 10:06 am
Tin, me kilala akong ganyan, family friends namin. Bata pa sila, lampas 40. Araw-araw magkasama dahil nag early retirement at nagnegosyo. Namatay ang babae isang araw ng Oktubre, sumunod ang lalaki pagdating ng Nobyembre. Walang sakit, nawalan na ng ganang mabuhay. Wala silang anak. Nakakalungkot.
Magandang Huwebes sa iyo.
julies last blog post..Pag-iisang Dibdib
[Reply]
June 5th, 2008 at 10:07 am
Totoo yan! Maraming beses ko na na-obserbahan yan sa mga alaga naming love birds sa bahay. Kapag namatay yung isa, hindi magtatagal at susunod na din yung irog nya. Gaya-gaya! Saan kuha ito?
Hindi kita nalilimot. Paano mangyayari yun eh napapag-usapan ka namin kapag nagkikita kami nina Jay at Toni? Guilty lang ako sa matagal na hindi pagdalaw sa blog mo. Pero pilitin ko na makadalaw ngayon.
Magandang araw ng Hueves sa iyo at sa mga minamahal mo!
Dr Emers last blog post..One Heart, One Mind
[Reply]
June 5th, 2008 at 2:04 pm
noong bata ako, gusto ko rin sana ng lovebirds.
maganda ang iyong napiling ilahok na larawan, tin.
hapi huwebes!
Sumpaan
Abay
Wengs last blog post..LP #10: Pag-iisang Dibdib
[Reply]
June 5th, 2008 at 4:28 pm
How bittersweet naman ang pagmamahalan ng mga love birds ano?
Can’t help but relate though - parang di ko ata kakayanin na mawala ang aking asawa… Biruan nga namin e dapat ako ang mauna dahil tiyak na madali akong susunod sakaling may mangyari sa kanya…
Pinkys last blog post..LP #10: Pag-Iisang Dibdib
[Reply]
June 5th, 2008 at 7:14 pm
gandang simbolo ng pagmamahalan, totoong mahirap isiping mawala ang isang minamahal, Have a great Thursday.
vanidosas last blog post..LP#10-Pag-iisang Dibdib
[Reply]
June 5th, 2008 at 7:47 pm
Ay ang galing naman nito! Ang galing ng pagkakakuha mo!
Ang aking LP ay naka post na rin:
Shutter Happenings, daan ka kung may oras ka.
Salamat!
ShutterHappyJenns last blog post..Pag-Iisang Dibdib / Wedding
[Reply]
June 5th, 2008 at 8:00 pm
kakaiba ang paksa mo sa lahat. magaling na ideya at kuha sa larawan!
[Reply]
June 5th, 2008 at 8:25 pm
ang galing ng lp mo tin. kakaiba sa lahat. pero swak sa tema ;D
alphas last blog post..LP: Pag-iisang Dibdib.
[Reply]
June 5th, 2008 at 9:50 pm
tama nga. ganyan talaga ang mga love birds. Ok concept mo.
Happy LP!
leahs last blog post..LP: Pag-iisang DIBDIB
[Reply]
June 5th, 2008 at 11:04 pm
konti lang ang truly monogamous na mga hayop sa mundo, love birds ang isa rito. sadly, ang humans ay hindi naturally monogamous PERO dahil sa ating free will, nasa sa atin kung pipiliin nating magmahal lamang ng isang tao habang buhay.
salamat sa maganda at makabuluhang ng entry tin. *muah*
MyMemes: LP Kasalan
MyFinds: LP Kasalan
[Reply]
June 6th, 2008 at 1:17 am
ako naman dati naiinggit sa may mga alagang love birds. Maligayang LP!
ninas last blog post..LP - Pag-iisang Dibdib
[Reply]
June 6th, 2008 at 6:40 am
ganda ng write-up, tin! saka your photo looks so warm and ‘christmas-y’ hehe!
[Reply]
June 6th, 2008 at 7:06 am
nice… pasensya na at ako’y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito… happy LP…
linos last blog post..pag-iisang dibdib…
[Reply]
June 6th, 2008 at 8:46 am
Maganda ang kuha mo! Alam mo ba noon gusto ko magkaroon ng love birds sa bahay pero walang makakaalaga eh kay di ko na lang tinuloy. Nagkainteresa ako dito ng malaman ko si Korina Sanchez may ganito ring alaga.
Teres last blog post..FUN
[Reply]
June 6th, 2008 at 1:45 pm
nung bata ako, pinagmamasdan ko rin yang mga labberds. kahit mag-away, hindi mo naman mapaghihiwalay. at lagi silang magkasama hanggang kamatayan.
ganda ng lighting!
Dyess last blog post..L. P. # 10 : Pag-iisang Dibdib
[Reply]
June 6th, 2008 at 1:52 pm
Tin, nakakalungkot nga lang isipin talaga ang maiwan ka ng mahal mo sa buhay….
ako din, mawawalan na ng gana
maganda simbulo na larawan mo sister
Thesss last blog post..LP #: Kasalan na!
[Reply]
June 6th, 2008 at 5:31 pm
nakakatuwa nga ang mga lovebirds para silang may isip at emosyon. laging bang in love tapos pag naghiwalay (o nagbreak.. hehe) ay nanghihina ag kapareha.
mabuhay LP!
Greys last blog post..L.P. #10: Pag-iisang Dibdib
[Reply]
June 6th, 2008 at 8:48 pm
nung nag wedding reception kami dito sa us ni charlie, meron syang kaopisina na gusto kaming bigyan ng lovebirds bilang wedding gift..tumanggi ako kasi di ako talaga marunong mag alaga nun. ngayon sa pic mo parang nagsisisi ako..
ang ganda ng napili mong lahok!:)
[Reply]
June 6th, 2008 at 11:07 pm
maganda ang lahok mo! mas matindi pa minsan ang debosyon ng mga ibong iyan sa mga tao. ang tao minsan ay kaya pang humanap ng iba.
salamat nga pala sa dalaw.
leahs last blog post..Feast 192
[Reply]
June 7th, 2008 at 9:52 am
ang ganda po ng kuha nyo.
happy weekend!
[Reply]
June 7th, 2008 at 3:30 pm
Mahilig din ako magalaga ng mga love birds noong ako ay bata pa. Napansin ko nga kapag namatay yung isa kadalasan sumusunod na rin ang kanyang partner. Akala ko naman kasi hindi ko sila napapakain.
Happy LP!
Clicking Aways last blog post..LP010 - Pag-Iisang Dibdib
[Reply]
June 7th, 2008 at 11:45 pm
hehe tin, ngayon ko lang nalaman yun about the love birds! akala ko dahil lagi silang nagki-kiss
iriss last blog post..Social Spark
[Reply]
June 8th, 2008 at 7:22 pm
ayos sa title, parang kanta ng spice girls
pero bakit nga kaya hindi pwedeng mag-alaga ng love bird na walang kapares? nakakamatay ba sa kanila ang pagiging loner? hahaha
[Reply]