[LP] Apat na Kanto (Four Corners)
Litratong Pinoy, Photo Memes April 17th, 2008
.
(We visited Ground Zero in 2005. I had mixed feelings of sadness and presentiment when I saw the whole area. Presentiment because I imagined how the victims tried to escape the Twin Towers by jumping off these tall buildings. The same with the ones who were left to die inside trying to escape.
There were fresh flowers hanging on the fences, huge billboards with the names of those who died and there was a man playing what seemed to me as tunes of sorrow on the violin. There was a huge cross in the middle of Ground Zero built in remembrance to the lives lost in this disastrous event.)
Nakarating kami dito sa Ground Zero noong 2005. May halong lungkot at kaba akong mararamdaman nung nakita ko ito. Kaba dahil bigla kong naisip kung paano nagsipagtalon ang mga biktima mula sa Twin Towers sa kagustuhan nilang makatakas. Ganun din para sa mga naiwan sa loob at nagsumikap makalabas.
Sa bakuran nito ay may mga nakasabit na mga bulaklak, mga nakapaskel na pangalan ng mga nasawi at mayroon pang tagaroon na tumutugtog ng violin. Naglagay sila ng malaking krus bilang pag-alaala sa maraming buhay na naglaho dahil sa pangyayaring ito





April 17th, 2008 at 6:52 am
madamdamin ang iyong akda. pareho tayong new york din ang litrato
Linnor’s last blog post..Apat na Kanto
Reply
April 17th, 2008 at 7:48 am
kakagaling ko lang sa LP ni linnor, pareho nga kayo ng entry – parehong new york at parehong naka-frame sa parisukat ang inyong mga litrato.
naiintindihan ko ang naramdaman mo nang makita mo ang lugar na ito, ganun din ang naisip ko. sobrang senseless ng terorismong nangyari na ito. minsan talaga mapapaisip ka kung anong mga kasamaan ang naiisip gawin ng mga tao sa kapwa nila.
Meeya’s last blog post..WW07: Spring Break
Reply
April 17th, 2008 at 7:53 am
very meaningful photo!
Reply
April 17th, 2008 at 9:12 am
Nakapanghihinang isipin kung ano ang mga naramdaman ng mga tao sa panahong iyon. Kahit ang mga nasa malapit lang lang sa Ground Zero, hindi marahil maipaliwanag ang takot na kanilnag naramdaman. Sana hindi na mangyari ito, sa ating bansa man o sa mga bansang kabi-kabila ang pagsalakay ng mga terorista.
julie’s last blog post..Litratong Pinoy: Apat ang Sulok Ko
Reply
April 17th, 2008 at 9:20 am
ang daming parisukat… nakakalungkot talaga ang pangyayaring naganap dyan… mahirap kalimutan
magandang huwebes sa’yo…
lidie’s last blog post..LP #3 :: Apat na Kanto
Reply
April 17th, 2008 at 9:35 am
i had the same feeling when we went there…
lino’s last blog post..apat na kanto (four corners)…
Reply
April 17th, 2008 at 9:40 am
great photo, tin!
kabilang kanto lang to mula sa office namin. nakakalungkot pa din makita, paminsan minsan.
abby’s last blog post..Batting for Blue
Reply
April 17th, 2008 at 9:56 am
Wow nice! Napakaganda! Magandang Huwebes!
Reply
April 17th, 2008 at 11:21 am
sa litrato mo pa lang, parang nabuhay muli ang alaala ng 911. never been there, pero it seems like i was there.
mahusay na kuha!
haze’s last blog post..LP# 3 Apat na Kanto
Reply
April 17th, 2008 at 3:21 pm
tin, taong 2003 naman nang mapunta kami rito. sinong mag-aakala na mawawala ang matataas na gusaling dati’y nakatayo riyan ano?
ang ganda ng iyong entry.
Munchkin Mommy
Mapped Memories
Weng’s last blog post..LP #3: Apat na Kanto (Four Corners)
Reply
April 17th, 2008 at 3:44 pm
Nice entry. Very memorable photo! Magaling kaibigan! Mabuhay ka!
Ambo
ambothology.com
pinoyambisyoso.com
pinoytek.net
Ambo’s last blog post..Transistor
Reply
April 17th, 2008 at 4:15 pm
Oo, medyo nakaka-”depress” nga dumalaw diyan. Doon pa nga lang sa “mini-memorial” na ginawa nila sa Grand Central Station papunta diyan e nakakalungkot nang mabasa ang mga kuwento ng mga nasawi. Meron pa ba non? Tagal na kasi kaming huli nagawi sa NY e…
Maligayang Huwebes sa iyo!
Pinky’s last blog post..LP #3: Apat na Kanto
Reply
April 17th, 2008 at 6:44 pm
divine providence siguro talaga na maiwan ang hugis krus na labi na yan ng WTC. a reminder to all of that only God is eternal.
iRonnie’s last blog post..222. Twist To Be Square
Reply
April 17th, 2008 at 7:47 pm
Siguro, aalog tuhod ko pag natuntong ako sa ground zero =( Nuong mangyari kasi ito ay talagang tutok na tutok kami sa Live news ng CNN, kitang kita ang mga nangyayari….nakakalungkot pa rin pag naiisip ko.
Maganda akda Tin!
Reply
April 17th, 2008 at 8:41 pm
Nakakalungkot talaga ang mga ganitong pangyayari. Lalo na hindi ko talaga maintindihan angpaniniwala ng ibang mga tao na gumawa ng masama, tulad ng pagsasakripisyo ng buhay ng maraming tao para lang ipaglaban ang sinasabi nilang “tama”.
cathy’s last blog post..A House is not a Home
Reply
April 17th, 2008 at 8:49 pm
nawala ang unang kong kommento…
nkakalungkot nga iyan pero ang galing ng kuha mo.
Reply
April 17th, 2008 at 8:52 pm
akala ko merong cross sa bandang kanan , o kapirasong bakal na ginawang cross? nakakalungkot nga.. lalo n pag nakita mo ang mga bulaklak
happy weekend
rose’s last blog post..parisukat
Reply
April 17th, 2008 at 9:52 pm
nalu-lungkot ako tuwing naaalala ko ang mga bikitima ng trahedyang iyan. sinong magaakalang mangyayari iyan.
Clicking Away’s last blog post..LP003 – Apat na Kanto
Reply
April 17th, 2008 at 10:27 pm
punung puno ng saysay ang entry mong ito tin.
Nakakalungkt nga isipin ang mga ganitong trahedya….
gayun pa man Tin, maganda ang larawang kuha mo.
Reply
April 17th, 2008 at 11:22 pm
ang daming parisukat dito!
alpha’s last blog post..By: mousey
Reply
April 18th, 2008 at 12:23 am
taong 2005 (hulyo) rin nang nabisita ko ang lugar na iyan. kailan kayo nagpunta? nakalulungkot ngang isipin ang terorismong ginawa rito.
maganda ang iyong lahok, katotong LP!
Dragon Lady’s last blog post..L.P. #3: Apat na kanto
Reply
April 18th, 2008 at 2:09 am
Maganda ang litrato mo. Hindi kami huminto sa ground sero nung nagpunta kami sa NY. Siguro sa susunod kung may pagkakataon. Maligayang Huwebes
nina’s last blog post..Litratong Pinoy – Apat na Kanto
Reply
April 18th, 2008 at 7:34 am
maganda yang kuha mo. at talagang nakakalungkot pumunta sa isang lugar na naging sanhi ng maraming kalungkutan.
Reply
April 18th, 2008 at 7:25 pm
i like it! maganda.. maligayang araw.
yvelle’s last blog post..LP #3 Apat na Kanto
Reply
April 18th, 2008 at 9:01 pm
Nakakakilabot ang istorya ng ground zero.. isang hinding hindi makakalimutan na pangyayari sa buong mundo. Ang ganda ng kuha mo.
Hanggang sa susunod na huwebes!
Reply
April 19th, 2008 at 10:29 pm
maraming, maraming salamat sa inyong lahat! pasensya na at hindi ako makasagot isa-isa sa inyong komento pero nagagalak ako sa inyong pagpasyal! hanggang sa muli
christine’s last blog post..LP 3: Apat na Kanto (Four Corners)
Reply
April 22nd, 2008 at 9:42 am
nakakalungkot gunitain noh? ipagdasal na lang natin sila.
Lizeth’s last blog post..Statement of Gratitude
Reply